History : ArhentinaArhentina
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Arhentina- (Kastila: Argentina, Ingles: Argentina) ay isang bansa sa timog Timog Amerika, ay matatagpuan sa pagitan ng Andes sa kanluran at ng timog Karagatang Atlantiko sa silangan. Hinahanggan ito ng Paraguay at Bolivia sa hilaga, Brazil at Uruguay sa hilagang-silangan, at Chile sa kanluran. Pormal na tinatawag ang bansa na República Argentina (Republikang Arhentino) habang ginagamit naman ang anyong Nación Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo. Napaliligiran ito ng Paraguay at Bolivia sa kanluran, Brazil at Uruguay sa silangang-kanluran, at Chile sa kanluran at timog. Inaangkin ng bansa ang mga kapuluan ng Falkland Islands (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng United Kingdom. Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Batayang Pagkaunlaran ng Tao at per-kapita ng Buong Produktong Domestiko (GDP) sa grado ng kakayahan sa pamimili sa Amerika Latina.-- Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country)- o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan.-- Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.-
- Etimolohiya
Ang pangalang Arhentina (mula sa Latin: argentums, pilak) ay unang palagiang ginamit sa aklat na Historia del descubrimiento, población, y conquista del Río de la Plata (Kasaysayan ng pagkakatuklas, populasyon, at pagsakop sa Rio de la Plata -) ni Ruy Díaz de Guzmán noong 1612, kung saan tinaguriang Tierra Argentina (Lupain ng Pilak) ang teritoryo.-- Sa Ingles ng Britanya, nakaugaliang tawaging "The Argentine" (Ang Arhentina) ang bansa, ngunit hindi na ito pangkaraniwan sa kasalukuyan.
- Iba't ibang paksa
- Mga talasanggunian
Unyong Latino
Angola | Argentina (Arhentina) | Bolivia | Brazil | Cape Verde | Chile | Colombia | Côte d’Ivoire | Costa Rica | Cuba | Dominican Republic | Ecuador | France (Pransya) | Guinea-Bissau | Guatemala | Haïti | Honduras | Italy (Italya) | Mexico (Mehiko) | Moldova | Monaco | Mozambique | Nicaragua | Panama | Paraguay | Peru | Philippines (Pilipinas) | Portugal | România | San Marino | São Tomé at Príncipe | Senegal | Spain (Espanya) | Timor-Leste (Silangang Timor) | Uruguay | Vatican | Venezuela
Kategorya: Arhentina |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
News
Photo
History
Site
france
espana
Türkiye
Oran
alger
mostaganem
tenes
cherchell
algérie
algérie
algerie
mostaganem
CV